Maagang ipalalabas ng Government Service Insurance System (GSIS) ang pensyon ng kanilang mga miyembro para sa buwan ng Mayo.
Ayon kay GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet, matatanggap na ng mga pensioners ang kanilang pensyon sa ika-5 ng Mayo.
Ito, aniya ay sa halip ng nakatakdang crediting date na tuwing ika-8 ng buwan.
Sinabi ni Macasaet, bahagi ito ng kanilang mga ipinatutupad na hakbang para matulungan ang mga GSIS pensioners na apketado rin ng pinalawig pang enhanced community quarantine (ECQ).
Una rito, itinaas na ng GSIS hanggang sa P40,000 ang halaga ng maaaring ma-avail na emergency loans ng mga empleyado ng gobyerno.