Nakatakdang matanggap ng mga pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kani-kanilang cash gift bago ang ika-12 ng Disyembre.
Ito’y dahil nagsisimula na ang pagpoproseso ng mga ito.
Pagdidiin ng GSIS, kanilang pipilitin na maipamahagi ang naturang cash gift pagsapit ng ika-8 ng Disyembre.
Mababatid na aabot sa higit P3-bilyon ang halaga ng Christmas gifts na ipapamahagi ng ahensya sa kanilang 330,496 na mga old age at disability pensioners.