Mas maagang ipalalabas ng Government Service Insurance System (GSIS) ang pensyon na dapat sana’y para sa Abril.
Batay sa anunsyo ni GSIS General Manager Rolando Macasaet, asahan nang matatanggap ang pensyon bago pa ang Abril 8 na syang schedule sa pagpapalabas ng pensyon.
Maliban dito, pinalawig rin anya ng GSIS hanggang sa Mayo 10 ang pagbabayad ng premiums , loans at housing loan payments na para ngayong Marso.
Sinabi ni Macasaet na nag aalok rin ang GSIS ng emergency loan na hanggang P20,000 para sa kanilang mga aktibong miyembro ng pensioners.
Bagamat sarado ang tanggapan ng Social Security System (SSS) hanggang Abril 12, maaari namang mag aplay ng loan sa mga kiosks na nasa government offices at malls sa iba’t ibang panig ng bansa.