Nagbitiw sa pwesto si Government Service Insurance System o GSIS President at General Manager Clint Aranas.
Ayon kay GSIS Vice President for Corporate Communications Marge Jorillo, isinumite ni Aranas ang kanyang resignation letter, kahapon.
Kinumpirma naman ito ng Chief of Staff ni Aranas na si Atty Percivel Flores.
Inaasahang iaanunsyo ng pormal anumang oras ang ginawang pagbibibtiw.
Matatandaang itinalaga si Aranas sa GSIS noong taong 2017
Sa panulat ni Gene Cruz