Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si dating LTO chief Teofilo Guadiz III bilang bagong chairman ng LTFRB.
Ayon sa Office of the Press Secretary o OPS, nanumpa na kanina si Guadiz sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Matatandaang itinalaga ni PBBM si Jay Art Tugade kapalit ni Guadiz bilang LTO chief.
Ang puwesto naman ngayon ni Guadiz sa LTFRB ay dating hawak ni Usec. Cheloy Garafil na ngayo’y officer-in-charge o OIC ng OPS.