Naghigpit na rin di umano ang Guam sa pagpasok ng mga Pilipinong manggagawa duon.
Pinahigpit na ang temporary work visa regulation sa Guam kaya’t marami di umanong mga Pinoy duon ang nakatakda nang umuwi sa bansa.
Sinasabing Pebrero pa ng nakaraang taon nang magsimulang maghigpit ng regulasyon sa pagbibigay ng working visa ang Guam bago pa nanalo sa eleksyon si US president Donald Trump.
Dahil dito, naghahanda di umano ng demanda ang labing dalawang kumpanyang pag-aari ng Filipino-American laban sa US citizenship and immigration services dahil sa anila’y labag sa batas na pagbabago sa temporary work visa regulations.
Una rito, nagpatupad ng ban si Trump laban sa pagpasok ng mga muslim sa Estados Unidos.
By Len Aguirre