Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang isla ng Guam na bahagi ng teritoryo ng Amerika ngayong hapon lamang.
Batay sa tala ng USGS o United States Geological Survey, natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 212 kilometro timog silangan ng Hagatna.
Sinasabing may lalim ang naturang pagyanig na sampung kilometro mula sa sentro kaya’t wala namang nai-ulat na anumang pinsala mula rito.