Hinamon ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon si dating National Youth Commission Chief Ronald Cardema na pangalanan ang sinasabi nitong umano’y isang emissary.
Ayon kay Guanzon, dapat ay pangalanan ni Cardema ang itinuturo niyang kongresista na isa umanong emissary na nakapaloob isang impeachment complaint.
Dagdag pa nito ay maging matapang dapat si Cardema kaysa magsinungaling ito sa mata ng publiko para makakuha ng simpatiya.
Tinawag naman na isang distraction ni Guanzon ang mga paratang ni Cardema upang malayo raw sa tunay na issue ang atensyon ng publiko.
Matatandaang inakusahan ni Cardema na tumatanggap ng pera mula sa isang umano’y kongresistang emissary si Guanzon.