Ibinulgar ni Commission on Elections o COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na for sale ang ilan sa mga pwesto sa partylist group.
Sa pagharap ni Guanzon sa Senate Committee on Electoral Reforms, sinabi niyang bukod sa pagbebenta ng pwesto ay maari rin palitan ng mga partylist group ang kanilang nominee anomang oras hanggang sa pagsasara ng mga presinto sa mismong araw ng nominasyon.
Aniya, mali ang ganitong polisiya dahil may karapatan ang mga taong malaman kung sino ang kanilang ibinoboto.
Kasabay nito, pormal na rin hiniling ni Guanzon sa Senado na isama sa one year appointment ban ang mga natalong kandidatong nominado sa partylist group.
Matatandaang ipinanukala ni Guanzon na masama sa ban ang mga kinatawan ng partylist group matapos na ma appoint si Mocha Uson bilang deputy administrator ng OWWA matapos itong matalo bilang kinatawan ng AA Kasosyo Partylist.