Ibinabala ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP na tila bumabalik na ang Pilipinas sa panahon ng diktadurya na matagal nang pinaplano ng administrasyong Duterte.
Ayon iyan kay NDFP Chairman Fidel Agcaoili kasunod ng pahayag ni Pangulong Duterte na itigil na ang peace talks gayundin ang aniya’y sunud-sunod na pagpapatalsik sa ilang matataas na mga opisyal tulad nila Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Kasunod nito, nagpahayag din ng pagkadismaya ang NDFP hinggil sa kinahinatnan ng usapang pangkapayapaan na siya sanang susi para sa ganap na reporma at kapayapaan na tiyak pakikinabangan ng mas nakararaming Pilipino.
Giit ni Agcaoili, bago pa man aniya ang tuluyang ikansela ang peace talks, naplantsa na ng gobyerno at NDFP ang mga bagong kasunduan tulad ng repormang agraryo, rural development, industrialization at economic development na bahagi ng final phase ng negosasyon.
—-