Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa muling pagbuhay sa panukalang National Identification o ID System.
Ito’y makaraang ilang beses mabasura ang nasabing panukala sa pangambang makompromiso ang mahahalagang impormasyon ng bawat Pilipino.
Gayunman, nilinaw ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi kasama ang National ID System sa mga panukalang prayoridad ng administrasyon sa Kongreso.
Sa ilalim ng nasabing sistema, mapapadali umano ang transaksyon sa mga ahensya ng gubyerno at madaling matukoy ang pagkakakilanlan kapag nagkaroon ng atraso o nakagawa ng paglabag sa batas.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping