Tiniyak ng Malacañang na may mababanaag nang liwanag ang pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre sa susunod na taon.
Ito’y makaraang ihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaasahan nilang magkakaroon na ng partial resolution o paghahatol sa naturang kaso.
Kasunod nito, iniulat ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Usec. Joel Egco na batay sa datos, nasa 106 na akusado ang nakakulong at nililitis na sa hukuman.
Nasa 13 suspek o kaso aniya ang submitted na for decision para mababaan ang kaso habang nagsumite naman ng isang memorandum ang prosekusyon para hatulan sa loob ng buwang ito sina Akmad Ampatuan Sr. at Anwar Ampatuan Sr.
Tatlo rin aniya sa mga suspek o akusado ang namatay na habang nakakulong tulad ni dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr, dalawa ang pansamantalang nakalaya dahil sa piyansa habang isa ang nakalaya bunsod naman ng Writ of Habeas Corpus.
—-