Pormal nang inilunsad ng pamahalaan ang maigting na kampaniya nito kontra sa pagpapakalat ng mga maling balita o fake news.
Kasabay nito, hinikayat ni PCOO o Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang may 1,600 information officers ng pamahalaan na lumabas at magtungo sa lugar ng mga mahihirap upang sugpuin ang pinagmumulan ng mga fake news.
Sa kauna-unahang National Information Convention na isinagawa sa Davao City, iginiit ni Andanar na lubhang kinakailangan ngayon ng bansa ang mga information officers upang maiparating sa taumbayan ang mga tama at eksaktong mga impormasyon sa publiko partikular na sa mga serbisyo at repormang ginagawa ng administrasyon.
Inihalimbawa ng kalihim ang kumalat na fake news laban kay SAP o Special Assistant to the President Cristopher Bong Go na nakaladkad ang pangalan dahil nakialam umano sa pagbili ng mga bagong barkong pandigma ng Philippine Navy gayung inaprubahan na iyon nuon pang nakalipas na administrasyon.
DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio