Umapela si Solicitor General Jose Calida sa mga mahistrado ng Korte Suprema na payagan ang pamahalaan na gamitin ang Martial Law para sa mga aniya’y pambihirang kalaban.
Sa kaniyang opening statement sa ikalawang araw ng oral arguments, sinabi ni Calida na nahaharap ang Pilipinas sa pambihirang sitwasyon na nangangailangan ng pambihirang aksyon upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mas nakararaming Pilipino.
Nakikidigma sa puwersa ng pamahalaan ang mga taong walang kinikilalang batas na sumisira sa prinsipyo ng mga nakagawian at pinanghahawakang pananaw para maisakatuparan ang layuning makapagtatag ng Islamic State sa Mindanao.
Mismong ang mga petitioners na aniya ang nagsabi na may aktwal na rebelyon na nangyayari sa Marawi dahil maliban sa hayagang pag-aaklas ng grupo nila Isnilon Hapilon gayundin ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo