Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng New People’s Army o NPA na tumulong sa kaniyang kampaniya kontra iligal na droga
Inihayag ito ng Pangulo kasunod ng marching orders nito sa militar at pulisya na paigtingin ang kanilang mga isinasagawang operasyon laban sa mga drug lord, nagtutulak at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
Naniniwala ang Pangulo na madaling mareresolbahan ang problema ng bansa sa droga kung kikilos na rin ang mga komunista sa pamamagitan ng kanilang sariling Guerilla Court Hearings
Sa panig naman ni Labor Secretary at Government Chief Negotiator Silvestre Bebot Bello III, welcome sa kaniya ang panawagan ng Pangulo lalo’t kung sa ikabubuti naman ng sambayanan
By: Jaymark Dagala