Iminungkahi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na amyendahan ang kontrobersyal na paggawad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa mga bilanggo.
Ani Guevarra, kabilang na rito ang paglilinaw kung sino-sino o anong klase ng mga kaso ang sakop ng batas, malinaw na klasipikasyo at kung ito ba ay nararapat na maging reformative at rehabilitative o punitive at retributive.
Dapat din aniya na magkaroon ang batas ng malinaw na depinisyon sa sinasabing heinous crimes o karumal-dumal na krimen.
Samantala, naghain na rin ng panukala si Senador Sonny Angara para sa pag-amyenda ng naturang batas.
Sa ilalim ng panukala, direktang tinatanggalan na ng karapatan ang recidivists, habitual delinquents, escapees at indibidwal na nakulong dahil sa heinous crime sa pag-avail ng credits at allowance para sa good conduct.