Pinarerepaso ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga aplikasyon ng mga preso para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at posibleng masusupinde pa ito.
Ito’y ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra ay kasunod ng planong pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na nakulong dahil sa patumpatong na kaso ng rape at pagpatay.
Ayon kay Guevarra, kailangan lamang i-recompute ang mga isinilbi sa piitan ng mga nag-apply nang preso at tiniyak nitong hindi magtatagal ay makapaglalabas na rin sila ng pinal na listahan hinggil dito.
Bagama’t unang sinabi ng kalihim na posibleng palayain si Sanchez dahil sa nasabing batas, bigla naman itong kumabig nang sumingaw ang mga ginawang paglabag nito na siyang pagdidiskuwalipika sa kaniya sa nasabing batas.