Isang magnitude 5.1 na lindol ang yumanig sa lalawigan ng Eastern Samar ngayong Biyernes ng hapon, ika-8 ng Nobyembre.
Naitala ng PHIVOLCS ang episentro ng lindol sa layong 33-kilometers, timog-kanluran ng bayan ng Guian sa Eastern Samar dakong 1:31 PM.
May lalim itong 3-kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
- Intensity IV – Borongan City
- Intensity III – Palo, Leyte at San Francisco, Southern Leyte
- Intensity II – Surigao City
- Intensity I – Ormoc City; Gingoog City
Samantala, wala namang inaasahang maidudulot na pinsala ang naturang pagyanig ngunit asahan naman, ayon sa PHIVOLCS, ang mga aftershocks.