Pinalalayas na ng China ang US Navy Warship na nasa Spratly Islands.
Napag-alamang ipinadala na ng China ang Liuzhou at Luzhou, mga missile guided na barko upang itaboy ang USS Dewey.
Binigyang diin ng China na makakasira sa katatagan at kapayapaan sa South China Sea ang presensya doon ng US Warship.
Una nang kinumpirma ng US Navy ang paglalayag nila sa may 12 nautical miles ng artificial island na inilagay ng China sa Spratlys.
By Len Aguirre