Inilatag na ng Department of Education ang mga guideline kaugnay sa isasagawang in-person na end of school year rites para na rin sa kaligtasan ng mga guro, mag a aral at magulang.
Kasunod na rin ito ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio nang pagpayag nila sa limited physical ceremonies sa mga paaralang nasa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 at 2.
Subalit sinabi ni San Antonio na dapat matiyak ng mga paaralan na masusunod ang mga panuntunang itinakda ng dep ed tulad nang pagsusuot ng face mask ng lahat ng mga dadalo bukod pa sa isang metrong distansya.
Ang mga kasali sa seremonya ay dapat umupo lamang sa kanilang assignmed seats, bawal ang pakikipag kamay o iba pang uri ng physical contact at kailangan ang parental consent para sa mga mag-aaral na dadalo sa Face to Face Graduation Ceremony.
Ayon pa kay San Antonio , ang mga paaralang hindi makakapag in person end of school year ay papayagang mag broadcast live ng virtual graduation rites sa pamamagitan ng isang social media platform.