Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na isinasapinal na nito ang guidelines na ipatutupad para sa 2022 elections campaign period sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay COMELEC Director Elaiza David, mabusisi ang ginagawa nilang pag-aaral para sa guidelines sa new normal kung saan kabilang aniya dito ay ang paglilimita sa ‘in person campaigning’.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat na mabigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na mangampanya dahil bahagi ito ng eleksyon.
Sinabi pa ni David na inaasahan na mailalabas na rin ng COMELEC ang guidelines sa paggamit ng social media sa pangangampanya ng mga kandidato. —sa panulat ni Hya Ludivico