Inaasahan ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 na mailalabas ng World Health Organization (WHO) sa Nobyembre 15 ang guidance nito hinggil sa pagbibigay ng booster shot.
Sinabi ni Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na hinihintay sa ngayon ay ang emergency use authorization o EUA ng iba’t ibang manufacturers para sa pagtuturok ng third dose.
Daraan aniya ito sa approval ng Food and Drug Administration (FDA) at maaaring bumilang pa ng isa hanggang dalawang linggo bago mailabas ng WHO ang guidance nito.
Kabilang sa inaasahang guidelines ng WHO ang usapin sa heterogenuous at homogenuous vaccination para sa pagtuturok ng booster shots.
Sinabi pa ni Galvez na mananatiling prayoridad sa booster shots ang mga health worker. —sa panulat ni Hya Ludivico