Pinoproseso na ng Department of Social Welfare and Development ang pagsasapinal sa guidelines ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program.
Ayon kay Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, nakipagpulong na sila sa Department of Labor and Employment at National Economic and Development Authority upang balangkasin ang bagong alituntunin.
Aniya, layunin ng tatlong ahensiya na pahusayin ang mga gabay sa pagpapatupad ng AKAP Program upang matugunan ang matinding epekto ng tumataas na inflation sa minimum wage earners.
Dagdag pa ni Secretary Gatchalian na nais nilang masiguro na maayos ang sistema sa pagpapatupad ng akap at hindi ito magagamit ng mga politiko para sa kampanya lalo na’t papalapit na ang 2025 midterm elections. – Sa panulat ni John Riz Calata