Bubuo ng guidelines para sa campaign protocols ang Philippine National Police (PNP) para sa 2022 National Elections.
Sa pahayag ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, sakaling magsimula na ang election period sa unang buwan ng susunod na taon ay agad itong ipatutupad ng kanilang ahensya.
Dagdag pa ni Carlos, nakatutok at binabalangkas na ng pnp Directorate for Operations ang naturang guidelines na siyang ipakakalat sa mga lower units upang maging basehan sa pagpapatupad ng batas.
Nagpaplano narin ang ahensya sa pagpapaigting sa minimum public health standards at mas hihigpitan din ng PNP ang seguridad sa pagbabantay sa iba’t ibang campaign sorties maging sa mismong araw ng botohan sa May 9,2022.
Sinabi naman ni Carlos na kanilang susundin ang anumang direktiba na iaatang sa kanila ng komisyon pero naka depende parin ang kanilang guidelines sa alert level status ng isang lugar o siyudad. —sa panulat ni Angelica Doctolero