Inilabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang guidelines sa cash aid para sa mga manggagawang apektado ng restriksyon dulot ng umiiral na alert level 3.
Inihahanda na ng DOLE ang pagtanggap sa aplikasyon para sa financial assistance sa displaced workers na apektado ng restriksyon dulot ng umiiral na alert level 3.
Umaasa si DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay na sa susunod na linggo ay masimulan na ang application ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) para sa mga manggagawa sa formal sector na apektado.
Sa ilalim ng CAMP, makatatanggap ng one-time 5,000 pesos na ayuda ang mga apektadong manggagawa sa pribadong sektor.
Prayoridad sa naturang programa ang mga trabahador na naapektuhan ng permanent closure o retrenchment.
Magugunitang inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello, III na naglaan ang gobyerno ng 1 billion peso cash assistance sa mga displaced worker sa implementasyon ng mas mahigpit na COVID alert level.