Naglabas na ang Commission on Election (COMELEC) ng mga patakaran para sa pagpapatupad ng Fair Election Act para sa 2022 National and Local Election.
Sa inilabas na Resolution No. 10730 o Rules and Regulations Implementing Republic Act 9006 ay magbibigay daan sa pagsasagawa ng e-rallies bilang alternatibo para sa pisikal na pangangampanya sa gitna ng covid-19 pandemic.
Kasama sa probisyon ng IRR ang pagtatakda sa Education and Information Department ng COMELEC na magbigay ng plataporma para sa free livestreaming para sa presidential, vice presidential at senatorial candidate maging ang mga partido.
Nakatakda namang ipalabas ang naturang live streaming ng e rallies kada gabi simula sa a 8 ng Pebrero sa susunod na taon sa opisyal na social media channels ng COMELEC.