Naglabas na ang Department of Agriculture (DA) ng guidelines para sa pamamahagi ng 5.85 bilyong pisong halaga ng fertilizer discount voucher para sa mga magsasaka sa ilalim ng National Rice Program (NRP).
Sa inilabas na Memorandum Order ni Agriculture Secretary William Dar, layunin ng aktibidad na maglaan ng discount voucher sa mga piling munisipalidad at probinsya para sa produksyon ng palay ngayong taon.
Sa ilalim ng proyekto, magagamit lamang ng mga benepisyaryong magsasaka ang nasabing voucher para matanggap ang mga pataba sa accredited merchants.
Samantala, ang one-time use discount voucher ay may katumbas na halagang 1,131 pesos kada ektarya para sa mga lugar na may tinanim na inbred seeds habang 2,262 pesos naman kada ektarya para sa hybrid. —sa panulat ni Airiam Sancho