Inilabas na ng Malakanyang ang guidelines para sa ipatutupad na pilot COVID-19 alert level system sa Metro Manila simula sa Huwebes, upang mapigilan pa ang pagkalat ng COVID-19 at mga variant nito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ilalim ng guidelines ng IATF ipatutupad ang “3C” strategy o mga dapat iwasan, ito ang closed, crowded at close contact.
Tinukoy naman ang alert level 1 kung saan mababa at bumababa ang COVID-19 transmission, total bed utilization at Intensive Care Unit (ICU) utilization rates;
Level 2, kung saan mababa rin ang COVID-19 transmission maging ang healthcare utilization pero tumataas ang total bed utilization at intensive care unit utilization rates;
Level 3, mataas ang COVID-19 transmission habang tumataas din ang total bed at ICU utilization rates; level 4,na may mataas na COVID-19 transmission maging ang total bed at ICU utilization rates;
At level 5, kung saan naka-aalarma na ang COVID-19 transmission habang nasa kritikal ang total bed at ICU utilization rates. —sa panulat ni Drew Nacino