Inilabas na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang guidelines para sa libreng-sakay ng mga estudytante sa Agosto 22 na tatagal hanggang Nobyemre 5.
Ayon kay LRTA Administrator Attorney Hernando Cabrera, ang mga estudyante lamang mula sa elementarya hanggang kolehiyo ang sakop ng nasabing libreng-sakay sa LRT-2.
Aniya, hindi kasama rito ang mga kumukuha ng master’s degree at graduate students.
Kailangan namang magbayad ng pamasahe ng mga magulang o guardian na maghahatid sa estudyante sa paaralan na sasakay sa LRT-2.
Para sa mga mag-aaral na mag-a-avail ng libreng-sakay, pumunta lamang sa passenger assistant booth at ipakita ang school ID at enrollment form para mabigyan ng ticket.