Bumubuo na ang gobyerno ng guidelines para sa mga lugar na maaari nang isailalim sa “new normal”.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon na ng deklarasyon ng new normal areas at ngayon ay binubuo na ang mga do’s and dont’s sa ilalim ng quarantine classification na ito.
Kailangan aniyang maging malinaw na mayroon pa ring ipinagbabawal sa mga lugar na isasailalim sa new normal.
Noong Setyembre, sinabi ni Roque na sinang-ayunan ng IATF ang kaniyang suhestiyon na ibalik ang new normal para sa mga lugar na zero transmission na ang COVID-19 sa loob ng isang buwan.