Binabalangkas na Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) ang guidelines na ipatutupad ng mga opisina o negosyo sa muli nitong pagbubukas sa mga darating na araw.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, kabilang sa mga panuntunan na kailangang sundin ng mga empleyadong babalik sa kani-kanilang trabaho ay ang pagsusuot ng facemask sa opisina.
Kinakailangan din ang pagkuha ng body temperature bago ito payagang pumasok sa loob ng opisina.
Dapat ding tiyakin ng mga kumpanya na mayroon silang disinfectants at iba pang sanitizers para sa mga empleyado nito.