Rerepasuhin ng CHED o Commission on Higher Education ang guidelines para sa pagpapatupad ng libreng matrikula para sa mga SUC’S o State Universities and Colleges sa bansa.
Ito’y bilang tugon sa panawagan ng iba’t ibang grupo ng mga kabataan na gawing simple ang pinag-isang panuntunan na inilabas ng komisyon at ng DBM o Department of Budget and Management.
Sa ilalim kasi ng nasabing kautusan, sasalaing maigi ng pamahalaan ang mga gagawaran ng libreng edukasyon para sa mga mag-aaral sa mga SUC’S dahil limitado lamang ang pondo para rito.
Ayon kay CHED Commissioner Prospero De Vera, bagama’t wala silang deadline kung kailan ilalabas ang revised guidelines, tiyak naman aniyang mailalabas ito bago ang pasukan sa susunod na buwan.
By: Jaymark Dagala