Binubuo na ng gobyerno ang mga panuntunan para sa pagpapalaya ng mga matatanda, may sakit na mga preso at iba pang kwalipikadong preso na makatanggap ng parola o executive clemency.
Ito’y sa gitna ng banta ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga piitan.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte binubuo na ang guidelines ng board of pardons and parole alinsunod na rin sa mandato ng Bayanihan to Heal as One Act.
Sinabi ng pangulo na sa pamamagitan ng naturang hakbang ay inaasahang maiiwasan ang pagsisiksikan sa mga piitan.