Kaunting panahon na lang ang hinihintay ng Philippine National Police (PNP) bago matapos ang pagrepaso sa kanilang investigator’s handbook ngayong new normal.
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa sa kaniyang pagharap sa mga mamamahayag sa kampo crame ngayong araw.
Pinangunahan aniya ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) office ng PNP ang ginawa nilang pagrepaso sa nasabing investigator’s handbook.
Laman ng nirepasong handbook ani Gamboa ang iba’t ibang investigation procedures na nakasalig naman sa minimum health standards, pagsususot ng mga personal protective equipment o ppe at paggamit ng makabagong teknolohiya para sa manilis na pagresolba sa kaso.
Giit ni Gamboa, mahalagang makasunod sa new normal ang kanilang sinusunod na mga patakaran dahil patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nagpopositibo sa virus bunsod ng kanilang araw-araw na pagsabak bilang mga frontliner.