Nilinaw sa publiko ng Department of Health (DOH) na hindi binago ang guidelines sa quarantine at isolation para sa general population.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan, naitala kahapon ang pinaka mataas na bilang ng mga tinamaan ng nakahahawang sakit.
Base sa guidelines na inilabas ng DOH, isasailalim sa 10-days isolation ang mga pasyenteng asymptomatic o may moderate symptoms ng COVID-19.
Samantala, aabot naman sa 21-days ang itatagal ng isolation ng mga pasyenteng severe at critically ill habang 7-days quarantine naman ang mga fully vaccinated individuals na na-expose o positibo sa COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero