Naglabas ng guidelines ang Commission on Elections (COMELEC) para sa reactivation ng voter records ng senior citizens, Persons With Disabilities (PWDs), at Persons Deprived of Liberty (PDLs) na bigong makaboto sa nakalipas na dalawang eleksyon.
Alinsunod ito sa resolution No.10715, bilang tugon sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Upang maging kwalipikado sa programa, dapat na may kumpletong biometrics data sa Comelec ang isang deactivated voter.
Maaari namang mamili ang mga deactivated voter ng proseso para sa reactivation ng kanilang voter records kung isasagawa ito online o sa pamamagitan ng authorized representative.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico