Inilatag ng Inter-Agency Task Force ang ipatutupad na guidelines para sa Undas.
Sa Talk to the People kagabi, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na isasara ang lahat ng mga sementeryo sa bansa mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, 2021.
Ito ay upang maiwasan ang super spreader events sa paparating na Undas.
Aniya, maaari namang bumisita ang publiko sa mga sementeryo, memorial parks, at kolumbaryo bago mag Oktubre 29 at pagkatapos ng Nobyembre 2.
30% lamang ng kapasidad ng sementeryo ang papayagan at dapat na nasusunod ang minimum health protocols. —sa panulat ni Hya Ludivico