Nagpalabas na ng mga panuntunan ang Malakanyang kaugnay sa minimum na bilang ng onsite workers sa mga tanggapan ng gobyerno para patuloy na maka-access ng impormasyon ang publiko sa ilalim ng alert level system dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19
Sa ipinalabas na memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sa ilalim ng alert level 2, fully operational subalit uubra ang 80% onsite workforce ang mga ahensya ng gobyerno.
Kapag alert level 3 naman, nasa 60% ang onsite workers samantalang 40% naman kung alert level.
Ang Metro Manila, Bulacan, Cavite at Rizal ay nasa alert level 3 mula January 3 hanggang 15 samantalang ang Laguna ay nasa parehong alert level mula January 7 hanggang 15.