Naglabas na ng guidelines ang Malacañang kaugnay sa implementasyon ng community quarantine sa Metro Manila.
Ito’y matapos itaas sa Code Red Sub Level 2 ang alert status ng bansa kaugnay sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Batay sa ibinabang memorandum order, lahat ng namumuno sa local government units (LGUs), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang government agency ay mahigpit na ipatutupad ang social distancing measures sa Metro Manila sa loob ng 30-araw.
UPDATE: Malacañang, naglabas na ng guidelines kaugnay sa implementasyon ng isang buwang quarantine sa Metro Manila para malabanan ang pagkalat ng COVID-19 | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/A0E5g6cKC0
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 14, 2020
Ipinagbabawal ang mass gatherings gaya ng pagtungo sa mga sinehan, concert, sport events at iba pang entertainment activities.
Kailangan din makipag-ugnayan at sundin ng LGUs ang mga direktiba ng Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG).
Nakasaad din na layon ng general community quarantine ay limitahan ang physical presence ng mga tao sa labas upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.