Mahirap umanong masunod ang ilang alituntunin ng COMELEC sa personal na pangangampanya para sa May 9 elections sa ilalim ng new normal.
Alinsunod sa COMELEC guidelines, kabilang sa mga ipinagbabawal ang pakikipagkamay, pagyakap, beso-beso, pagkakabit-bisig at pagkuha ng selfie o group picture nang magkakadikit.
Ayon sa election lawyer na si Emil Marañon, dapat gawing mas akma o maglatag ng mas makatotohanang mga panuntunan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Halimbawa na lamang anya ay ang pagse-selfie na mahirap tanggihan dahil maaaring akalain ng publiko na isnabero ang isang kandidato kaya’t hindi na nila ito iboboto.
Kabilang din sa tinukoy ni Marañon ang pagkuha ng permit mula sa poll body, tatlong araw bago ang aktibidadkung saan bago aprubahan ng COMELEC campaign committee ang application, dapat muna itong aprubahan ng mga local government unit.
Idinagdag pa ng election lawyer na mas magiging sakit din umano sa ulo ang guidelines kapag nagsimula na sa March 25 ang campaign period para sa mga lokal na posisyon dahil kabilang sa maga-aprubaang mga nakaupong local official na kumakandidato.