Nilagdaan na ng departments of Labor and Employment, Justice, Bureaus of Immigration at Internal Revenue ang guidelines para sa mas mahigpit na issuance ng work permit ng mga dayuhan sa bansa.
Saklaw ng bagong guidelines ang special work permit, provisional work permit (PWP) at alien employment permit (AEP).
Sa Ilalim ng panuntunan, sinumang dayuhang nais magtrabaho sa Pilipinas ay kailangang kumuha ng aep mula sa dole at ibibigay lamang ito kung walang filipinong kwalipikado para sa posisyon.
Kung wala pa ang nasabing permit ay maaari namang magtrabaho ang sinumang dayuhan kung may PWP na ang bisa ay hanggang anim na buwan lamang.
Inatasan naman ang lahat ng dayuhan na nag-tatrabaho o nais magtrabaho sa bansa na magbaya ng buwis sa pamamagitan ng pagkuha ng tax identification number.