Naglatag na ng mga panuntunan ang Civil Service Commission (CSC) kung paano patatakbuhin ang mga tanggapan ng pamahalaan sa sandaling mapaluwag na ang enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Civil Service Commmissioner Aileen Lizada, hindi dapat tumaas sa 50% ng mga empleyado sa isang tanggapan ang pisikal na papasok sa opisina upang ma obserbahan ang social distancing.
Ipinauubaya anya sa department heads kung anong scheme ang kanilang ipatutupad sa mga sumusunod –work-from-home, 4-day compressed work week, staggered working hours at iba pang alternative work arrangements na gusto nilang ipatupad.
Sinabi ni Lizada na binibigyang laya ng CSC ang mga department heads na magpatupad ng kumbinasyon ng mga nabanggit nilang work scheme.
Mag-compress work week kayo, and the gawin niyo ‘yung trabaho niyo do’n at certain number of hours and the rest will be done at home. Sa isang department, he will have a team of good for two weeks, tapos the rest –nect two weeks, para if ever na na-expose siya, nandoon lang sya sa bahay nya at doon siya magwo-work-from-home,” ani Lizada.
Pinagsusumite rin ng CSC ang mga department heads ng regular na accomplishment report ng kani-kanilang tanggapan batay sa ipinatupad nilang work scheme.
Ayon kay Lizada, nais lamang makatiyak ng CSC na hindi maapektuhan ang serbisyo sa publiko kahit pa bagong normal na ang sinusunod na patakaran sa mga tanggapan ng gobyerno.
With these implementation, kinakailangan din may mga accomplishment report sila, because they will still be rated based on ano ang gagawin nila. So, may mga accomplishment report at isa-submit nila ‘yon sa mga heads of agencies nila. And ‘yung heads of agencies ay mananagot sa government agency. So, mayroon din tayong check and balances din,” ani Lizada. —sa panayam ng Ratsada Balita