Pormal nang inilatag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang guidelines sa muling pagbubukas ng mga gym sa National Capital Region sa ilalim ng alert level system.
Base sa inilabas na guidelines ng DTI, kailangang magsasagawa ng health screening sa mga pintuan ng mga gyms at dapat ay natutupad ang four-meter physical distancing habang suot ang mga facemask.
Bukod pa dito, ipagbabawal din ang paggamit ng water fountains at pagsasagawa ng group activity.
Dapat din na mayroong sanitation facilities o supplies, gaya ng handwashing station na may sapat at ligtas na water supply, sabon at 70% isopropyl o ethyl alcohol, hands-free trash cans, soap at towel dispensers, door openers, at iba pang mga equipment. —sa panulat ni Angelica Doctolero