Inaprubahan na ng National Food Authority o NFA ang guidelines para sa pag-aangkat ng mga private traders sa mahigit 800,000 tonelada ng bigas.
Batay sa ipinalabas na memorandum ng NFA, papayagan ang mga pribadong negosyante na mag-angkat ng bigas na nasa 35 porsyento ang tarifff ngunit hindi pa masabi kung kailan.
Sa ilalim ng nasabing guidelines, magmumula ang mga aangkating bigas sa mga bansang Thailand at Vietnam na may kabuuang 293 tonelada.
Limampung libong (50,000) tonelada ng bigas naman ang magbubuhat sa China, India at Pakistan habang 15,000 tonelada mula naman sa El Salvador.
Kasunod nito, ipinag-utos din ng NFA na dapat dumating sa bansa ang mga aangkating bigas bago ang Nobyembre 30.
By Jaymark Dagala