Nakatakdang maglabas ng memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito’y kaugnay sa paglalatag ng mga alituntunin o guidelines para sa muling pag-arangkada ng mga motorcycle taxi sa mga lansangan.
Ayon sa LTFRB, muling magpupulong ang technical working group ng motorcycle taxi pilot study sa sandaling matanggap na nila ang minimum health standards at gidelines mula sa national task force.
Bagama’t may umiiral nang guidelines hinggil dito, sinabi ng LTFRB na kailangan pa ring isaalang-alang ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Magugunitang pinalawig ng mababang kapulungan ng kongreso ang pilot program para sa motorcycle taxi upang makatulong sa mga manggagawang hirap na makapasok sa trabaho dahil sa pandemya.