Inihahanda na ng mga eksperto ang guidelines para sa pagbibigay ng booster shots sa mga senior citizen at mga indibidwal na may comorbidity.
Sinabi ni Dr. Edsel Salvana, ang guidelines para sa pagtuturok ng booster shots sa senior citizens ay posibleng magkaiba dahil ikinokonsidera nila ang immunocompromised individuals.
Inoobserbahan din aniya nila kung ilan ang mga magkakaroon ng adverse reactions at mga karagdagang safety issues sa pagtuturok ng booster shots. —sa panulat ni Hya Ludivico