Maglalabas na ng guidelines ngayong Linggo ang Department of Health (DOH) para sa paggamit ng self-administered Covid-19 antigen test kits.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posible itong ganapin bukas o sa Biyernes.
Patuloy namang pinag-uusapan kung magkakaroon ng price cap sa dalawang antigen kits na naaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).
Ito ay ang Abbott Panbio at Labnovation Technologies Covid-19 antigen self-test kits. —sa panulat ni Abby Malanday