Nakatakdang ilabas ng DOH ang guidelines ng pagbabakuna sa adult population ngayong Linggo.
Ito’y matapos na ipahayag ng DOH na bukas na ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa general adult population o nasa edad 18 pataas.
Gayunman nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nananatili pa ring prayoridad na mabakunahan ang mga nasa A2 o senior citizen at mga nasa A3 category o may mga comorbidity.
Magugunitang una nang inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na may sapat nang suplay ng bakuna sa bansa.