Inaayos ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang guidelines sa ilalim ng sim registration law.
Ito ay para linawin kung ilang sim card ang maaaring irehistro ng kada isang tao.
Nabatid na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing batas noong Oktubre 10 upang matugunan ang pagkalat ng text scams.
Ayon kay DICT Assistant Secretary Anna Mae Lamentillo, nais nilang isaad sa Implementing Rules and Regulations (IRR) kung gaano karami o “reasonable” na bilang ng sim ang puwedeng i-rehistro ng isang tao, kung saan ikinokonsidera nila na ang sim ay ginagamit din sa mga negosyo.
Sa datos, nasa 160 million sims ang kasalukuyang ginagamit ng mga Pinoy.
Matatandaang sinabi rin ni DICT Secretary Ivan John Uy na maaaring mag-rehistro ng multiple sim cards ang kada isang tao ngunit ang mga ito ay kailangang matukoy nang maayos.