Pinaplantsa pa ang mga panuntunan na susundin para sa ikakasang presidential at vice presidential debate para sa 2016 elections.
Ayon kay Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) Chairman Herman Basbaño, kabilang sa mga pinag-uusapan pa ay ang format ng debate at gayun din kung sino ang magsisilbing moderator sa mga gagawing debate.
Pinaalalahanan din ni Basbaño ang mga mabubunot na lead network na bagamat sila ang maaring magpasya kung sabay-sabay na ipapalabas sa mga network ang debate, kailangan tiyakin ng mga ito na makatatanggap ng maayos na feed ang lahat ng network, kabilang ang radyo at online.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit